bakit ba hindi ako makatulog ng mga araw at gabi na ito?...
nakakainis lang lagi ko naiisip ang tao na yun 24/7
hay... hindi ko nga malaman ang dahilan eh!
pagkagising ko sa umaga eh yun agad ang naiisip ko.
sa totoo lang ayaw ko sya isipin pero bakit ko ba sya naiisip?...
pinasasakit nya ang ulo ko.
feeling ko nga malapit na ako maloka.
kahapon nga dito sa may ERS hindi ko napansin si JING, nakatingin ako sa hagdan kung nasan sya nandun pero hindi ko napansin na nandun sya.
nakangiti na pala sya sa akin kaso para daw wala lang sa akin.
nung bumalik ako sa ulirat ko at nung nakita ko sya sabi nya...
"mukhang ang lalim daw ng iniisip ko..."
sabi ko naman...
"anong mukhang malalim, eh talagang malalim na yata ang iniisip ko"...
ano ba naman kasi ang nangyayari sa akin?
parang yung kanta ni regine,
"araw-gabi nasa isip ka, napapaniginip ka kahit saan magpunta....."
siguro kung sino-sino naman ang naiisip nyo n0h?... pero kung sino man ang iniisip nyo sigurado ko na nagkakamali kayo...
kasi aminin nyo na at sa hindi, lukaret talaga ako!
pero palagay ko lilipas din ito.
hindi ko alam kung hanggang kailan, pero alam ko mawawala din ito.
eh kasi alam ko namang malayung-malayo sa hinagap ko na pwede.
siguro pag-nalaman nila pagtatawanan ako ng mga yun!
sasabihing nangangarap ako ng gising...
pero libre namang mangarap eh!!!
hindi ba?...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment